Mga Anunsyo
I-click ang bilog na profile sa kanang sulok sa itaas para lumabas ang opsyong Mga Anunsyo. Sa pahinang ito, mapapamahalaan mo ang lahat ng may kinalaman sa mga anunsyo.
Sa kaliwa, makikita mo ang berdeng button na Gumawa ng mga Anunsyo, na magagamit mo para gumawa ng mga bagong anunsyo.
Una, puwede kang maglagay ng pamagat para sa anunsyo.
Susunod, isulat ang mensahe para sa anunsyo.
Kung gusto mo, puwede ka ring magdagdag ng larawan o button na naghihikayat na kumilos.
Kung ayaw mo itong ipadala agad, puwede mo itong iiskedyul para sa ibang oras.
Puwede mo ring i-filter ang mga tatanggap ayon sa hamon, team, bansa, o wikang pinili ng user sa YuMuuv app.
Panghuli, piliin kung aabisuhan ang mga user tungkol sa anunsyo at kung paano sila aabisuhan.
Sa kanan (sa ibaba naman sa phone app), makikita mo ang preview ng anunsyo bago ito ipadala at ang tinatayang bilang ng mga tatanggap.
Nagawa na ang anunsyo! Kung gusto mong baguhin ang anunsyo, i-click ang button na I-edit.
Kung gusto mong burahin ang anunsyo, lagyan ng tsek ang kahon at pindutin ang pulang button na Burahin.
Kung may problema ka sa pagpapadala ng mga anunsyo sa aming app, direktang makipag-ugnayan sa amin.