PLATAPORMA NG YUMUUV
ABISO SA COOKIES
Huling na-update: Nobyembre 3, 2023
Ang Abisong ito sa Cookies ay pandagdag sa Abiso sa Privacy ng YuMuuv at inilalarawan nito ang paggamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya (na lahat ay tatawaging “cookies” mula rito) sa Plataporma ng YuMuuv, ang layunin ng iba't ibang cookies, kung gaano katagal iniimbak ang mga ito, at kung paano mo mapapamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa cookies. Tandaan na ang mga terminong ginamit sa Abisong ito sa Cookies ay may parehong kahulugan gaya ng nasa Abiso sa Privacy ng Plataporma ng YuMuuv.
Ano ang cookies?
Ang cookies ay mga data file na sine-save sa iyong device kapag ginagamit mo ang Plataporma ng YuMuuv, at maaari ring gamitin upang iproseso ang iyong personal na datos. Ang cookies na ginagamit sa Plataporma ng YuMuuv ay nagbibigay-daan sa aming matandaan ang iyong mga aksyon at kagustuhan sa loob ng isang panahon upang maging mas mahusay at mas madali ang paggamit at pag-navigate, at sa gayon ay mapahusay ang karanasan ng user.
Anong mga uri ng cookies ang ginagamit namin?
Mahahalagang cookies – kailangan ang cookies na ito para gumana nang maayos ang Plataporma ng YuMuuv. Nagbibigay-daan ang mga ito para ma-access at ma-navigate mo ang aming site at magamit ang aming mga feature. Hindi maibibigay ang mahahalagang serbisyo, gaya ng kakayahang ma-access ang mga protektadong bahagi, kung wala ang cookies na ito. Dahil talagang kailangan ang cookies na ito para gumana ang Plataporma ng YuMuuv, hindi kailangan ang iyong pahintulot para iimbak ang mga ito.
Ang mga sumusunod ang mahahalagang cookies na ginagamit namin:
- Cookies para sa mga kagustuhan mula mismo sa amin na nag-iimbak ng mga kagustuhan ng user sa Plataporma ng YuMuuv, gaya ng time zone at rehiyon;
- Cookies mula mismo sa amin na tumutulong sa aming mag-imbak at kumuha ng mga tala ng pahintulot ng mga user, pati na ng impormasyon at mga kagustuhang ipinahayag kaugnay ng ibinigay na pahintulot.
- Cookies mula sa mga third party na tumutulong sa aming pamahalaan ang mga tag o script na kailangan sa Plataporma ng YuMuuv. Kabilang dito ang Google Tag Manager na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited;
Cookies para sa performance at analytics – ginagamit ang cookies na ito upang mas mapadali ang paggamit ng Plataporma ng YuMuuv sa pamamagitan ng pagsusuri namin sa performance nito. Halimbawa, nangongolekta ang mga ito ng istatistikal na impormasyon tungkol sa paggamit ng Plataporma ng YuMuuv, bilang ng mga pagbisita, at karaniwang tagal ng pananatili. Tinutulungan kami ng cookies para sa performance na matukoy ang mga pinakasikat na bahagi ng aming mga feature at higit pang mapahusay ang Plataporma ng YuMuuv batay sa iyong mga kagustuhan at datos ng paggamit. Iniimbak sa iyong device ang cookies para sa performance at ginagamit lamang ang mga ito kung may pahintulot mo.
Ang cookies para sa performance at analytics na ginagamit namin ay konektado sa mga sumusunod na serbisyo at paggana:
- Google Analytics – isang serbisyo sa web na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited. Ginagamit ng Google ang nakolektang datos upang subaybayan at suriin ang paggamit ng Plataporma ng YuMuuv, at upang gumawa ng mga ulat tungkol sa mga aktibidad. Tandaan na maaaring gamitin ng Google ang datos na nakolekta sa pamamagitan ng Google Analytics upang iangkop sa konteksto at i-personalize ang mga ad sa sarili nitong advertising network. Nangongolekta rin ang Google Analytics ng karagdagang impormasyon mula sa aktibidad sa web at sa mga advertising ID ng device, na nagbibigay-daan sa pagsusuri ng partikular na gawi at mga interes, pati na ng demograpikong datos.
- Pagsubaybay sa conversion ng Google Ads – isang serbisyo ng analytics na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited na nag-uugnay ng datos mula sa advertising network ng Google Ads sa mga aksyong isinagawa sa Plataporma ng YuMuuv.
- Pagsubaybay sa conversion ng LinkedIn (LinkedIn Insight Tag) - isang serbisyo ng analytics na ibinibigay ng LinkedIn Corporation o ng mga kumpanya sa grupo nito, na nag-uugnay ng datos mula sa advertising network ng LinkedIn sa mga aksyong isinagawa sa Plataporma ng YuMuuv.
Cookies para sa functionality – nagbibigay-daan ang cookies na ito para matandaan namin ang iyong mga pinili at maimbak ang datos na naipasok na (halimbawa, mga email address, configuration, kagustuhan sa wika, laki ng teksto, font, atbp.) upang maiangkop ang Plataporma ng YuMuuv at makapagbigay sa iyo ng mas personalized na mga feature at nilalaman, at mapahusay ang kalidad ng karanasan ng user. Iniimbak sa iyong device ang cookies para sa functionality at ginagamit lamang ang mga ito kung may pahintulot mo.
Ang mga sumusunod ang cookies para sa functionality na ginagamit namin:
- Cookies na nagbibigay-daan sa pakikipag-ugnayan sa mga panlabas na nilalaman, network, at plataporma at sa pagtingin sa nilalamang naka-host sa mga iyon. Kabilang dito ang cookies na ginagamit para sa mga serbisyong gaya ng Google Fonts at Google Site Search na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited. Ang Google Fonts ay isang serbisyo para sa pagpapakita ng mga font at ang Google Site Search ay isang serbisyo para sa pag-embed ng search engine.
Cookies para sa marketing – nagbibigay-daan ang cookies na ito at mga katulad na teknolohiya para makapagtala kami ng datos tungkol sa pakikipag-ugnayan ng user sa Plataporma ng YuMuuv o sa mga website o serbisyo ng third party (halimbawa, cookies na ginagamit ng mga social networking site), aktibidad sa pagba-browse, atbp. Ang impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng cookies para sa marketing at mga katulad na teknolohiya ay ginagamit para sa naka-target na marketing, upang maiparating at maipakita ang mga advertisement nang tumpak hangga't maaari sa mga angkop na grupo ng mga gumagamit ng internet. Iniimbak sa iyong device ang cookies para sa marketing at ginagamit lamang ang mga ito kung may pahintulot mo. Tandaan na hindi kami responsable para sa anumang cookies ng third party
Ang cookies para sa marketing na ginagamit namin ay konektado sa mga sumusunod na serbisyo at paggana:
- Google Ad Manager – isang serbisyo sa advertising na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited, na nagbibigay-daan sa aming magsagawa ng mga kampanya sa advertising kasama ang mga panlabas na advertising network.
- Google Campaign Manager 360 - isang serbisyo sa advertising na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited, na nagbibigay-daan sa aming magsagawa ng mga kampanya sa advertising kasama ang mga panlabas na advertising network. Nagbibigay-daan din ang Google Campaign Manager 360 para masukat namin ang performance ng kampanya, mai-set up ang mga placement, ad, at materyales ng ad, at masuri ang pagpapatupad ng mga tag (gaya ng mga error sa pag-format ng ad).
- Microsoft Advertising – isang serbisyo sa advertising na ibinibigay ng Microsoft Corporation.
- LinkedIn Ads – isang serbisyo sa advertising na ibinibigay ng LinkedIn Unlimited Company.
- Google Ad Manager Audience Extension – isang serbisyo sa remarketing at pag-target batay sa gawi na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited, na sumusubaybay sa mga bumibisita sa Plataporma ng YuMuuv at nagbibigay-daan sa mga piling kasosyo sa advertising na magpakita sa kanila ng mga naka-target na ad sa iba't ibang bahagi ng web.
- Remarketing gamit ang Google Analytics - isang serbisyo sa remarketing at pag-target batay sa gawi na ibinibigay ng Google LLC o Google Ireland Limited, na nag-uugnay ng aktibidad sa pagsubaybay na isinasagawa ng Google Analytics sa advertising network ng Google Ads at sa Doubleclick Cookie.
Gaano katagal nananatili ang cookies sa iyong device?
Ang tagal ng pananatili ng isang cookie sa device na ginagamit mo ay nakadepende kung ito ay persistent cookie o session cookie. Ang session cookies ay pansamantalang cookies na nananatili sa iyong device hanggang sa umalis ka sa Plataporma ng YuMuuv. Ang persistent cookies ay mananatili sa iyong device matapos mong gamitin ang Plataporma ng YuMuuv hanggang sa mag-expire ang mga ito o manu-manong tanggalin.
Paano mo mapapamahalaan ang iyong mga kagustuhan sa cookies?
Sa una mong pagbisita sa Plataporma ng YuMuuv, ipapakita sa iyo ang impormasyon tungkol sa cookies na ginagamit namin at ang opsyong tanggapin o tanggihan ang cookies, o i-customize ang iyong mga kagustuhan sa cookies. Maaari mong kontrolin at tanggalin ang cookies sa mga setting ng browser ng iyong device (sa web at mobile). Para sa mga tagubilin kung paano pamahalaan ang cookies sa iba't ibang uri ng browser, tingnan ang https://allaboutcookies.org/ .
Maaari mong tanggalin anumang oras ang cookies na nasa iyong device at maaari mong itakda ang karamihan ng mga browser upang pigilan ang paglalagay ng mga ito sa iyong device. Gayunpaman, kung gagawin mo ito, maaaring kailanganin mong manu-manong ayusin ang ilang kagustuhan sa tuwing bibisita ka sa Plataporma ng YuMuuv at gagamit ng aming mga serbisyo, at maaaring hindi gumana nang maayos ang ilan sa mga feature na ibinibigay namin.
Mga pagbabago sa Abisong ito sa Cookies
Paminsan-minsan, maaari naming baguhin ang Abisong ito sa Cookies upang iangkop ito sa anumang mga update na maaaring mangyari. Ang Abisong ito sa Cookies ay huling na-update sa petsang “Huling na-update” na nakasaad sa itaas.